C’mon, Draw!


Billy Bat, © Copyright by Naoki Urasawa

Billy Bat, © Copyright by Naoki Urasawa

Billy Bat, isa sa paborito at kasalukuyan kong binabasang manga. May mga eksena ‘to na kung saan ang artist ng comics/manga eh biglang di nakakapag-drawing. At napapaisip ako kung totoo bang nangyayari ang gano’n sa mga artist lalo sa nagkokomiks.

Hanggang ako na mismo ang nakararanas.

Mula noong pumasok ang taon, hindi pa ako nakakapagkomiks. May kasama na ring procrastination. Pero noong sinubukan kong magsimula ng isang one-page comic kahapon, Biyernes, nakipagtitigan lang ako sa papel.

Nasimulan ko naman na ang dalawang panel pero pagdating sa ikatlo, hindi na. Hanggang ngayon, gano’n pa rin ang status.

Kaya ko pa ring gumuhit ng ibang bagay pero kapag kaharap ko na ang komiks na gagawin ko, nabablanko ang kamay ko.

Nami-miss ko na magkomiks pero di ako makapagkomiks.

Wala akong ideya kung magtatagal ‘to. Ngunit hindi ko naman pwedeng hayaang ganito na lang palagi. Pagkatapos kong magsulat dito, susubukan ko ulit. Kahit makipagtitigan na ulit ako sa papel, ayos lang, baka biglang gumana na ang kamay ko.

C’mon, Draw!

Advertisements

One thought on “C’mon, Draw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: