Trese Artbook


Magkakaroon ng Trese Artbook at gusto kong maisama ang fan art ko. May ginagawa ako noong una kaso hindi ko, kumbaga sa dart, matamaan nang tama. Ang ginawa ko, ni-recreate ko ang dati kong black & white na illustration. Nilagyan ng kulay at ayos na. At dahil hindi ako mapakali, gumawa pa ulit ako ng isa na sa kabutihang-palad, nagustuhan ko ang kinalabasan. Malaking tulong ang color tutorial ni Sycra dahil mahina talaga ako sa kulay. Bagsak din ako sa isang test para malaman kung colorblind ka o hindi. Alam ko colorblind ako pero di na ako sigurado ngayon. Oo nga pala, humiram ako ng reference model sa instagram ng Miho Studio. Bago malimutan, galing ang textures sa CG Textures.

Noong natapos na ako, napasampal ako sa noo nang makitang black & white pala ang kailangan para sa artbook. Greyscale versions na lang ang ipinasa ko at sana maisama sa artbook. Heto, ipinost ko ang colored version ng mga ipinasa ko at isang screenshot ng wallpaper ko dahil nagandahan talaga ako ginawa kong fan art. 😀

(Bihira lang ako magandahan sa mga gawa ko para gawing wallpaper)

trese_blue&red - Copy

Rework ng dating fan art na black & white.

trese-nakaupo - Copy

Screenshot_2015-09-27-23-23-02

Kasalukuyang wallpaper

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: