Komiket 2015


JpegDahil sa parating na bagyo kaya medyo nag-alangan akong dumalo ng Komiket 2015. Kaya rin di ako nagpo-post na pupunta ako kasi baka bigla ko lang bawiin kapag nandyan na. Tapos biglang naghimala, humina ang bagyo; makulimlim ang langit ngunit di naman umulan. Sabi ko, baka sign na ‘to. Tumuloy ako.

Maraming salamat sa lahat ng bumili ng komiks. Salamat doon sa isang nagbasa ng Palimos ng Kulangot. Natuwa siya tapos itinuro sa kaibigan niya tapos umalis na. Salamat. Sayang, libre pa naman sana ‘yon…kung bibilhin mo lahat ng iba ko pang komiks. Package ‘yon, eh.

At salamat din sa isang mambabasa na habang pinapanood kong binabasa niya ang compilation ng komik strips ko na “Komiks sa Galing sa Aking Kaluluwa” ay napapatawa siya. Masarap panoorin ang mga ganoong eksena mula sa pananaw ng isang tagalikha ng komiks. (Siyempre, mas masarap noong bilhin niya ang komiks 🙂 )

Maraming salamat kay Kuya Jon Zamar sa pag-imbita sa akin sa Komiket. Maraming salamat sa bumubuo ng Komiket dahil sa libreng ice cream, at libreng markers, at libreng tiket para sa MIBF(na nawa’y makadalo na ako). Maraming salamat sa lahat! Sa uulitin!

P.S.

Maraming salamat kay Rob Cham sa pag-autograph ng kanyang comic na “Light.”

At maraming salamat din kay Ate Bebang at sa pamilya niya.

Jpeg

Si Bebang, ako, at ang Palimos ng Kulangot ni Dok Ronibats

Jpeg

The Rob Cham

Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg Jpeg

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: