Kenshin


Highschool ako nang ipalabas ang Samurai X at iyon ang dahilan kung bakit gusto ko maagang umuuwi galing eskwelahan. Ginagaya-gaya ko rin ang mga pose ni Kenshin Himura, ang Battousai, ang bida ng anime, sa tuwing natatapos ang palabas. Kaming tatlo(ako, kapatid ko, at daddy namin) ang taimtim na nanonood nitong anime tuwing hapon. At siyempre, paborito namin ang laban niya kay Shishio. Fast-forward. Ipinalabas ang unang live-action movie ng Rurouni Kenshin. At bumalik lahat ng ala-ala sa akin habang nandoon palang ako sa mahabang pila sa sinehan hanggang sa pinapanood ko na ang pelikula. Gumawa ako ng una kong fanart na sa kasamaang palad, ang raw file nito ay kasamang nawala sa nanakaw kong external hard drive. Dalawang taon pagkatapos, 2014, nakita ko sina Kenshin, Kaoru, at Sanosuke nang personal! Napaka-surreal ng karanasan na ‘yon. At napakaganda ni Emi, sobra. Muli, maraming salamat ulit kay Jerald Uy sa pagkakataong iyon. Salamat talaga. Teka, nasabi ko na bang maraming salamat sa’yo Jerald? Sa bawat kalahating minuto araw-araw sa loob ng halos dalawang linggo, inuunti-unti kong tapusin ang artwork na ‘to. Sa wakas natapos din! Isa nga pala ‘to sa nakakatuwang eksena sa pelikula. Napanood mo na ba? Panoorin mo na!

Photo credits: Warner Bros

Ang proseso: kenshin2_01 kenshin2_02 kenshin2_03 kenshin2_04 kenshin2_05 kenshin2_06kenshin2_07   At ang final artwork: kenshin2_final

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: