Rurouni Kenshin in Manila


SURREAL – Hanggang ngayon, ‘yan ang pakiramdam ko nang nakita ko sina Takeru Sato(Kenshin Himura), Emi Takei(Kaoru Kamiya), at Munetaka Aoki(Sanosuke Sagara), kagabi sa SM Megamall para sa Red Carpet Procession at Asian premiere ng Rurouni Kenshin: Kyoto Inferno. Isang “dream come true” ito para sa lahat ng fans ng Samurai X(Rurouni Kenshin).

Bago dumating ang main cast, nagpamigay muna ng free tickets para sa mga fans. Ang kailangan lang ay masagutan ng tama ang itatanong. Lima ang nanalo ng tigdadalawang tiket. Sumunod ang mga cosplayer na pumarada. Cosplayer palang, tilian na ang mga tao. Mas lalo nang dumating na ang mga hinihintay ng lahat.

Nakakamangha at nakakatuwa na sila mismo ang lumalapit sa fans upang bigyan sila ng autograph. At nagtagal sila sa pagpapaunlak para pirmahan ang mga dalang pictures, magazines, banners, dvds, posters ng mga fans. Marahil ang iba, nakapagpa-selfie pa sa kanila.

Napakakulit ni Munetaka Aoki lalo sa tuwing nagcha-chant ang madlang fans ng “Sano! Sano! Sano!” Simple, mahinhin, at napakaganda naman ni Emi Takei. Talagang hinihintuan niya ang mga fans para magbigay ng autograph. Cool naman si Takeru Sato, at noong nagsabi siya ng “Mahal ko kayo”, swabeng-swabe. At noong siya na ang magsasalita, binati niya ang lahat ng fans ng “Kumusta kayo?” Sinagot naman ito ng nakakabinging tilian at hiyawan ng fans. “Masaya ako makita kayo,” ang kasunod pa niyang bati.

Sinabi ni Director Keishi Otomo na ibinuhos nila ang kanilang puso’t kaluluwa sa pagbuo ng pelikula at ang bawat action scene naman ay maingat at mahusay na pinaghandaan.

DSCN0177

Emi Takei habang pinipirmahan ang dala ko(at kabibili lang) na dvd ng RuroKen

DSCN0091 DSCN0095 DSCN0097 DSCN0098 DSCN0099 DSCN0109 DSCN0112 DSCN0152 DSCN0160 DSCN0164 DSCN0179 DSCN0189 DSCN0203 DSCN0207 DSCN0210 DSCN0211 DSCN0217 DSCN0221 DSCN0227 DSCN0230 DSCN0245 DSCN0246 DSCN0254 DSCN0258

Maraming maraming salamat kay Jerald Uy!!! Grabe. Maraming salamat talaga.

10559961_10152380027708681_2996829459229175382_n

photo from Jerald Uy

BuWBDaJCAAAbs_s

photo from Jerald Uy

At kahit minsan lang sa buhay ko, naging “PRESS” ako. πŸ™‚

DSCN0063

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: