©reators ®ights


10258436_10152105303767717_1126025124865655545_o

Naligaw ako. Katangahan. Mahina talaga ako sa direksiyon. Fast forward.

Akala ko uuwi na lang talaga ako, mabuti’t hindi, salamat sa aking kapatid na naging instant GPS ko, nakarating din ako sa Lopez Musuem and Library na nadaanan ko na pala noong naka-taxi ako.

Inabutan ko ang usapan tungkol sa e-book publishing. Kasunod ang Intellectual Property Rights. At tungkol sa Law of Succession o inheritance ng copyright ng isang manlilikha.

Higit sa inaasahan ko ang mga kaalamang natutunan ko. At, pramis, hindi nakakaburyong ang forum. Puno pa ng tawanan lalo’t si Ate Bebang ang isa sa tagapagsalita (pwede po ba kitang tawaging Ate, Ma’am Bebang?)

Natuwa rin ako nang marinig kong binanggit ni Ate Bebang si Gng. Genoveva Edroza-Matute. Isa kasi siya sa mga tinitingala kong manunulat lalo noong nakilala ko siya sa aklat ko pam-Filipino noong hayskul. Nakakalungkot nga lang at wala na pala siya.

Natuwa rin ako nang marinig ko rin sa kanya si G. Lamberto Antonio. Siya naman ang di ko malimutan at paboritong manunula. Ang tula niyang “Takada ni Islaw Palitaw” ang pinakapaborito kong tula. Ang guhit na makikita sa ibabaw ng tula sa parehong aklat ko ang aking inspirasyon kung bakit magsasaka ang karakter na andoyman. Buhay pa siya at sana makita ko ng personal.

Balik sa forum. Gusto ko sana magtanong ngunit nasagot na rin. Saka mukhang mas interesante ang tanong ng iba. Napaka-interactive ng forum. Lahat, may kanya-kanyang karanasan na gustong mahingan ng payo. Lalo ang isa, napaka-passionate.

Kumuha rin ako ng membership form para sa FILCOLS. Nalaman ko ang karapatan ko bilang manlilikha/artist. Ang pinagkaiba ng professional sa amin. Ang amendments sa batas tungkol sa tax. Ang ibig sabihin ng copyright, trademark, at patent. Na ang copyright ay bundle of rights. Ang tungkol sa salitang “infringement” at “plagiarism”. Ang karapatan mo kung sakaling may nag-commission sa’yo. Doon ko lang nalaman na “moral wrong” ang plagiarism pero hindi nito nava-violate ang Intellectual Property Rights. Na dapat may listahan ka ng mga ginawa mo o tinatawag na CV. Dapat may nakasulat ka ring dokumento kung sino ang magmamana at mangangasiwa ng copyright/s mo kung sakaling matigok ka kasi sila ang susunod na makikinabang ng royalties mo (kung meron).

Mukha ngang maikli ang inilaang oras para sa forum kasi parang kaya pang mag-extend kanina lalo’t marami pang pwedeng itanong at matutunan. Magkakaroon kaya ng Part 2?

At sa halip na take-down notes, nag-doodle na lang ako ng mga tinalakay. Nabasa ko kasing mas maaalala mo raw ang mga isang lecture kapag ito ang ginawa mo. Nakita ko ring ginagawa ‘to ni Sir Elbert.

Ito ang doodle note ko, paki-click na lang (pasensya sa kalidad ng larawan):

20140426_enhanced

Maganda ang mga nakita kong obra sa Lopez Museum and Library. Napakasulit ng forum, libre pa.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: