Salamat po!


Unknown000016

Salamat sa Diyos.

Salamat kay idol Francis Martelino at sa Komikult dahil sila ang kahati ko sa table.

Salamat sa pinsan kong nagtiyagang samahan ako sa Komikon.

Salamat kay idol Gab ng Parokya ni Edgar para sa autograph ng album ng banda.

Salamat kay kuya Macoy para sa discounted na komiks at dvd ng “Ang Maskot.”

Salamat (at pasensya) kay Eloiski sa paghahanap niya raw sa akin kahit hindi ako nakita. 🙂

Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng patuloy na tumatangkilik ng Andoyman Komiks. Salamat sa lahat ng bumili!

Sa totoo lang, hindi ako makapaniwalang ang 25 pirasong dala ko ng ikalawang kabanata ng Ang Sumpa e isa lang ang matitira. Unang beses lang ‘yon mangyari, at nakakatuwa. Nakarami rin ako ng benta, hindi ko rin inaasahan. Kaya salamat talaga! Masaya ako’t may nag-aabang pala talaga ng Ang Sumpa. Sulit ang pag-uubos ng brain cells.

Congrats sa organizers ng Komikon! Congrats din sa lahat ng nagkokomiks, at sa lahat ng nag-ubos ng pera para sa komiks!

Bagama’t di ko napanood ang Milkyboy, hindi ako nakabili ng Rodski Patotski, hindi ako nakapagpa-autograph kina Leinil Yu at Arnold Arre, late ako dumating ng Komikon, at (muli) walang kakulay-kulay ang aking 1/3 na bahagi sa mesa, uulit-ulitin ko pa rin ang pagdalo ng Komikon at paglikha ng komiks.

Ito nga pala ang mga larawang kinunan ko noong April 12, Summer Komikon.

Unknown000003 Unknown000004 Unknown000005 Unknown000007 Unknown000008 Unknown000009 Unknown000010 Unknown000012 Unknown000013 Unknown000014 Unknown000015 Unknown000017 Unknown000018 Unknown000019 Unknown000020 Unknown000021 Unknown000022 Unknown000023 Unknown000024 Unknown000025 Unknown000026 Unknown000028

Ok. Napakarami ko pang pending na dapat gawin.

Advertisements

4 thoughts on “Salamat po!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: