Kita-kits sa Summer Komikon 2014!


Ngayong Sabado na ang hot na hot na Summer Komikon 2014!

FB_Summer Komikon_Template

Medyo inaantok na ako ngayon pero excited pa rin para ngayong Sabado. Wala rin akong gaanong pakulo bukod sa isang promo. Mabuti’t natapos ko rin ang pagpapa-print nitong Miyerkules at medyo pahinga ako ngayon. Wala akong gaanong ibebenta bukod sa mga dati kong print artworks, at itong mga komiks na humigit-kumulang 30 kopya. Oo, sobrang limitado talaga kaya paunahan na lang.

May bago akong komiks ngayon (bukod sa bagong isyu ng “Ang Sumpa”), ang “Palitaw Komiks.” Koleksyon ito ng comic strips na ginawa ko sa pagitan ng 2009-2010. Inilabas ko ito noon sa dati kong blog, sa deviantart, at sa facebook. Pero ngayon, masasalat mo na sa papel.

Oo nga pala, may pa-promo ako. Nandito sa ibaba, pakibasa na lang.

summer komikon 2014 ad_resize

Maraming kaabang-abang na komiks ngayon. Nawa’y makabili ako. Suportahan niyo rin pala ang Komikult. Hati kami sa table A-32, malapit lang sa entrance.

map summer komikon 2014

Kung baguhan ka at gusto mo namang pumunta pero di alam kung paano, puntahan mo lang ang link na ito: http://www.komikon.org/map-to-bayanihan-center/

At kung wala ka namang ideya kung paano makisaya, makipasiksikan, at makipagwasakan sa Sabado, narito ang ilang tips ni Jerald Uy (http://www.jeralduy.com/2014/04/summer-komikon-2014-survival-tips.html).

Kita-kits na lang sa Sabado! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: