Summer Komikon 2014


Magandang balita muna: Narito na ang ikalawang kabanata ng “Ang Sumpa.”

as02_cover_resize

Sa wakas, ang ikalawang kabanata…pero may di ganoon kagandang balita. Kalahati lang ito ng ikalawang kabanata. Unang bahagi, kumbaga. Kung ako mismo ang tatanungin, failure ko ‘to bilang artist nito. Tapos na ang kwento para sa kabanatang ito, iguguhit ko na lang kaso hindi ko nagawa kasi hindi ako nagsipag. Kaya para sa kakaunti kong mambabasa, pasensya po talaga.

Gayunpaman, sana magustuhan niyo pa rin at patuloy na tangkilikin. (At sana maging trabaho ko na ang pagkokomiks). Mayroon pa rin akong ititindang “Foodcourt”; mabibili pa rin ang unang kabanata ng “Ang Sumpa”; at may libre pa ring “Palimos ng Kulangot” ni Dok Ronibats. At mukhang magkakaroon pa nito:

Kung nakikilala mo ang dalawang ‘to, malamang matagal mo na akong binabasa sa internet. Maglalabas din ako ng komiks na silang dalawa ang bida. Pero compilation ito. Iaanunsyo ko na lang ang iba pang detalye kapag yari na.

Maraming salamat nga pala kay Francis Martelino at Komikult dahil pumayag silang makihati ako sa table para sa Komikon.

Bago matapos ang post na ito, isang preview muna para sa bagong kabanata ng “Ang Sumpa.”

as02_page01_resize

Advertisements

2 thoughts on “Summer Komikon 2014

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: