A 2014 Leap


Isang maikling buod ng taon:

Komikon Baguio, Summer Komikon 2013, Indieket 2013ang paglabas ng unang kabanata ng “Ang Sumpa,” na-feature ako ni Jerald Uy sa kanyang site, at (ang masasabi kong pinaka-highlight ng taon ko) ang makatrabaho si Bob Ong sa bago niyang laro na “Aba! Nag-review ka na ba?”…(bili kayo ha!).

Huling araw na ng taon at sa halip pagtuunan ko ng pansin ang pagbubuod ng lahat ng nangyari sa akin, ang gagawin ko ngayon e maglilista ako ng mga layunin ko para sa taong 2014. Mga personal goals kumbaga.

Nitong mga nagdaang araw, tinuturuan ko ang aking sariling magkaroon ng schedule at mga layunin para sa bawat araw. Marami na akong narinig na manunulat/artist na mayroong schedule at malaki ang naitutulong nito sa kanila. Pero madalas, isa o dalawa o halos wala akong natatapos sa mga inililista ko pagkatapos ng araw. Gayunpaman, ipinagpapatuloy ko pa rin ito dahil pagdating ng araw, alam kong ako rin ang makikinabang lalo kapag nasanay na ako.

Kaya ko rin ito ginagawa dahil gusto kong maging organisado upang marami akong natatapos, magkaroon ng direksiyon ang pangarap at masuportahan ang sarili ko (balang araw) sa mga ginagawa ko, at para mas nakikita ko ang bawat baitang sa pagtupad sa aking pangarap.

May nabasa rin akong artikulo na kung gusto mo raw maging efficient sa trabaho, dapat maging organisado ka habang kung gusto mo naman maging creative, messy naman dapat. (Basta gano’n. Hehe. Hahanapin ko ulit ang link at ipo-post rito)

Isa pang dahilan: Gusto kong matutunang mahalin si Deadline. 🙂

 

Para sa taong 2014, ito ang aking mga layunin:

1. Matapos na ang isang children book (collaborated ito).

2. Mailabas ang ikalawa hanggang ikalimang kabanata ng “Ang Sumpa” ngayong taon.

3. Mailabas sa mga comic shop ang aking mga komiks.

4. Makagawa’t makapagbenta ng mga artwork.

5. Makagawa’t makapagbenta ng mga t-shirt design ko.

6. Makadalo sa mas maraming convention.

7. Maghanap ng publisher para sa komiks ko.

8. Magka-kotse.

God bless us this 2014!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bagong komiks na hango sa totoong buhay ng kaibigan ko…Ilalabas kapag aprub lang sa kanya. 😀

teaser02

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: