Mo.ti.va.tion.


Ang post na ito ay hindi tungkol sa isang bagong komiks, o isang bagong artwork na ginagawa ko ngayon. Tungkol ‘to sa mas personal na bagay tungkol mismo sa akin. Pwedeng-pwedeng hindi basahin.

Nitong mga nagdaang linggo(o buwan), napansin ko sa sarili ko na nawawalan ako ng ganang gumuhit­­­–mapa-komiks man o simpleng drawing lang. At hindi ko alam kung bakit.

HINDI, hindi. GUSTO ko pa rin ang komiks, ang magkomiks, at mag-drawing. Gusto ko pa rin gawin ang mga ‘yan. Gusto ko pa ring maisa-komiks ang mga kwentong matagal nang nakaupo sa isipan ko. Gusto ko pa rin “ito”. Hindi ako nagsawa at hinding-hindi magsasawang gumuhit at magkomiks.

Wala lang akong gana. Wala lang sigurong…inspirasyon. Wala lang sigurong…kung anuman na kwan na magpapabalik ng gana sa akin. Hindi ako nawalan ng gasolina. Alam ko, hindi ako nawalan ng passion. Nandito pa rin ‘yong apoy na ‘yon. Wala lang talaga akong gana. At ilang linggo(o buwan) na akong ganito.

Stressed sa trabaho. Nauumay na sa paulit-ulit na ginagawa sa opisina. Anxious para sa susunod na taon. Sweldo. Komiks na hindi ko pa rin natatapos/nagagawa. Mga planong hanggang plano lang. Frustration. Alinlangan. Pag-ibig. Buhay.

Oo, overthinker ako. Mahirap maiwasan. Sakit na. Gusto kong…mag-break. Gusto kong mag-recess. Gusto kong…magpahinga sa malayong lugar…o sa beach. Magsaya lang.

Ewan ko. Parang may gusto akong punan sa loob ng dibdib ko. Parang may puwang na alam ko dapat may laman. Di ko maintindihan.

Sa totoo lang, hindi ko alam paano ko isusulat ang nararanasan at nararamdaman ko ngayon.

Dadaan lang ako saglit sa Komikon ngayong Nobyembre para bumili ng ilang komiks tapos aalis na rin agad. Wala akong table. Kukuha dapat ako ng pang-exhibitor’s table kaso inurong ko kasi kukulangin ako sa budget.

Tungkol sa ikalawang kabanata ng “Ang Sumpa,” tapos na ang script at storyboard nito. Ido-drawing ko na lang sa papel kaso hanggang ngayon hindi ko pa rin nasisimulan.

Isa sa pinoproblema ko ang budget kaya balak kong ibenta online ang ilan sa artworks ko, mapa-print man o original artwork. Tapos balak ko, gagawa pa ako at ibebenta ko. Sana magawa ko. Sana may magkagustong bumili.

Sa tingin ko…ngayon…ang nararamdaman ko e para akong nakatingin sa isang malaking canvas at hindi ko alam kung ano ang ilalagay ko. Hindi ko alam.

Hindi ko alam…

..

.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: