Aba, Aklatan 2013!


Part I. Bakit ko gusto ang Aklatan?

IMG_1178

1. Maraming aklat.

At ang mas masaya pa nito, sariling-atin ang mga aklat. Mga kalahi natin ang nagsulat! Di ko maiwasang isipin ang Komikon. Parehas ang naramdaman kong excitement dito sa Aklatan tulad noong unang pagdalo ko sa Komikon. Para kang nasa paraiso dahil sa dami ng aklat. Hanep!

Oo. Masarap basahin ang mga aklat nina Neil Gaiman, J.K. Rowling, George R. R. Martin, at iba pang banyagang manunulat pero walang tatalo sa lasa ng bawat aklat ng Pilipinong manunulat. Iba ang experience at mas malapit sa puso. Naks. Marami rin ang nag-launch ng mga bago nilang libro.

Ang masama lang, di na kaya ng budget ko kaya kahit gustuhin ko mang bumili e hindi ko nagawa. Sayang…sayang talaga.

2. Nandoon ang mga paborito’t iniidolo mong manunulat (pwera kay Bob Ong).

Bebang Siy, Eros Atalia, Ricky Lee, Lourd de Veyra, Budjette Tan, at iba pang manunulat e present sa event (wala rin nga pala si Ginoong F. Sionil Jose). Pwede kang magpa-autograph, magpa-picture, at makipagkwentuhan sa kanila na parang kabarkada mo lang.

3. Marami kang matututunan tungkol sa pagsusulat mula sa mga batikang manunulat

May apat na panel discussion na naganap (tatlo lang ang naabutan ko) at bawat isa e may grupo ng mga manunulat na makikipagkwentuhan sa inyo, sasagutin ang inyong mga tanong, at magbibigay ng mga payo na tiyak na makakatulong sa pagsusulat mo.

4. The Write Pitch

Ito ang pagkakataon mo para iyong maipakita sa mga publisher na karapat-dapat nilang ilimbag ang iyong libro. At on-the-spot ito.Β  Anggaling ng ideya. Parang nag-o-audition ka lang sa isang talent show sa TV tapos sasabihan ka kung IN o OUT ka. At siyempre, mga publisher ang mga hurado. Sayang at di ko ito naabutan.

At higit sa lahat…

5. Pwede mong maka-date ang iniidolo mong manunulat.

Ang may pinakamataas na bid ang magkakaroon ng tsansang maka-date ang isang manunulat. Nakakabilib ang nakaisip ng ideyang ito. Nakakatuwa ang eksena habang pataasan ng bid ang mga audience. Ang iba, papiso-piso kung magdagdag ng bid. Napasayaw pa ni Bb. Bebang ang mga ino-auction na manunulat kaya tuwang-tuwa ang mga tao.

Pinakamalaking bid kina Sir Budjette Tan at Sir Kajo Baldisimo ng Trese na umabot ng P3,003. At kaya umabot sa ganoon kalaki kasi isasama nila ang makaka-“date” nila sa susunod na isyu ng Trese. Kaya bumulusok paitaas ang bid. Pero hindi pinayagan ni Bb. Bebang na hindi sila sumayaw. πŸ™‚

Maraming salamat kay Ria para sa ilang litrato. πŸ™‚

Part II. Aba!

Pagkapatak ng bandang alas-singko ng hapon, nagsimula na ang The Bob Ong Show. May maikling video clip ng mga nag-selfie habang hawak ang ABNKKBSNPLAko?! At oo, sa susunod na taon ipapalabas ang throwback movie ng taon, ang ABNKKBSNPLAko?! The Movie.

Pagkatapos, ipinakilala rin ang bagong gawa ni Bob Ong, ang “Aba!”, hindi bagong aklat kundi isang bagong laro.

Sa loob ng higit isang dekada ng librong ABNKKBSNPLAko?!, isang pinakamadalas na reaksyon ng mga mambabasa ay ang kagustuhang makapagkwento ng sarili nilang mga karanasan sa eskwelahan. Dahil kung nakakatuwa at may matututunan sa mga pinagdaanan ni Bob Ong bilang mag-aaral, malamang marami rin sa karanasan ng iba. At bagama’t hindi lahat ay may pagkakataon na magsulat ng libro, hindi dapat maging limitado ang mga sandaling maaaring makipagpalitan tayo sa iba ng kwento.Narito ang larong ABA! na hango sa tema ng ABNKKBSNPLAko?!. Isang makabuluhang pampalipas oras upang mas makilala ang sarili at iyong mga β€œkaklase” sa paaralan ng buhay. Naglalaman ito ng mga tanong na sasagutin, pagsasaluhan, pag-iisipan, pagtatalunan, pagtatawanan, at maaaring pag-ugatan ng iba pang tanong. Simple lang ang pakay: masayang kwentuhan. Pakikipagkapwa-tao sa paraan ng pakikipag-usap. Pagpapalitan ng mga saloobin at opinyon, takot at tuwa, karanasan at pangarap, tagumpay at luha, galit at ilang katotohanan na medyo kahiya-hiya.Umalis muna sa internet, patayin sandali ang TV at aircon, lumayo sa computer at cell phone, kalimutan ang inbox at updates, at makipagkwentuhan na parang brownout lang. Personal na makipaglaro sa mga tao sa tunay na buhay tungkol sa mga totoong bagay. Lumabas ng mall. Yayain ang mga kaibigan. Pumwesto sa ilalim ng puno o saan mang may lilim. Kilalanin nang may lalim ang mga tao sa paligid mo. At sorpresahin ang sarili sa pagtuklas sa totoong ikaw!

Ito ‘yon:IMG_1197

Buong pagmamalaki kong ipinapaalam sa inyo na ako ang gumuhit ng illustration sa box. πŸ™‚ Naks! Nakuha ko rin ang unang kopya nito.

IMG_119820130907_164212

Isa ito sa mga highlight sa buhay ko ngayon taon. Ansaya.

Dapat din, ako ang magpo-proxy ng speech ni Bob Ong. In-email niya ako tungkol dito. Mabuti na lang, hindi ako ang natuloy mag-speech kasi malamang, walang naintindihan ang mga tao dahil nanginginig ang boses ko sa kaba. Si Kap de Asis, ang orihinal na illustrato ni BO, ang nag-speech.

Pagkatapos, tinawag ako ni Ms. Nida sa entablado upang ipakilala bilang illustrator ng box ng bagong laro ni BO. (Pasensya kung nakakuba ako sa litrato, hiyang-hiya talaga ako. πŸ™‚

20130907_17461520130907_174640

Para sa mga detalye kung magkano at kailan makikita sa mga bookstore itong bagong laro ni Bob Ong, ang “Aba!”, magpunta lamang sa facebook page ng Visprint o sa kanilang website.

At dahil patapos na itong blog entry e tatapusin ko na lang ito sa isang pasasalamat:

Maraming salamat kay Ria, kay Ms. Nida, kay Bob Ong, at sa mga idolo kong manunulat/nagkokomiks na pumayag magpa-picture at magpa-autograph. πŸ™‚

Sana maulit ito sa susunod na taon. Tiyak, mas maraming mag-aabang ng Aklatan. πŸ™‚ Congrats sa lahat ng nag-organisa, at sa ating mga manunulat. *clap clap*

Advertisements

8 thoughts on “Aba, Aklatan 2013!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: