Haikukay Volume 1


Kaninang madaling araw ko lang ‘to ginawa bago matulog. Nakaka-miss gumawa ng tula/haiku.

I.

Ayan na siya.

Papalapit sa akin.

‘Ngiti,’ sabi ko.

II.

Nand’yan ka naman;

sa mata nila, wala.

‘Pakamatay na.

III.

‘Haha,’ reply mo

Doon sa text ko sa’yo

na gusto kita.

IV.

Itulak mo ang

oras nang humaba ang

‘ting paggawa ng–

V.

A. Sulat. Sulat.

Kunwa’y may nasusulat

sa blankong papel.

VI.

O, haiku, haiku.

Paano nabubuo

ang ‘sang gaya mo?

VII.

Pagod at puyat,

problema’t lungkot para

lang guminhawa.

VIII.

Oy! Takbo! Takbo!

Sabi ng sarili ko.

Dapat lumayo.

IX.

Nandito ako!

Bakit nag-iiyakan?

Hoy! Eto ako!

X.

Ibang daan ‘to.

Kaba. Dilim. Sigawan.

Sa talahiban.

XI.

Gusto ko, ‘kaw na

at wala ng iba pa.

Sana, ikaw na.

XII.

Tulog sa pagod.

Mugto dahil sa lungkot.

A, liwayway na!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: