Andoyman at Summer Komikon 2013


“Welcome back!” 

Pagkatapos ng mahigit isang taon na hindi nakakasali sa indie komiks tiangge at pasaglit-saglit lang na pagdalo sa Komikon, nagkaroon ulit ako ng table sa tiangge para magbenta ng mga komiks ko. At pakiramdam ko, wini-welcome back ako ng pinakamamahal kong Komikon. Naks.

Nakaka-miss kasi talaga ang may sarili kang table at magbenta ng komiks (pati ang mismong event!). Kaya sabik na sabik ako nitong Sabado. Sayang nga lang at nalimutan ko magdala ng kamera. Pero bukod sa nakalibre ako ng bayad pagpasok (sagot ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko), nakadalawang ID ako (isang pang-Titus/Seven Notes Booth at pang-Indie Komiks Tiangge), unang beses maagang makapasok sa Bayanihan Center habang abala ang lahat sa paghahanda ng kani-kanilang mesa,  nakita ulit si Ms. Gi, nag-i-story assist ng ‘Ang Sumpa,’ at maraming freebies,  natutuwa akong makita ulit si Sir Elbert Or. Siya kasi ang teacher/instructor ko noong nag comic workshop ako, tatlong taon na ang nakararaan.

Siyempre, kasama na ang pagbili ng mga bagong komiks, makita ang mga iniidolo, at mag-ikot-ikot sa Bayanihan Center (kahit ilang beses lang), may mga bago rin akong nakilala, ang mababait at friendly na sina Ronzkie at Ray Vidal at Kristopher ng Ikos Komiks. Unang beses ko rin sa loob ng conference room kasi doon na nga ang tiangge. May duda pa ako noong una kasi sa loob kami, wala sa main hall. Kaya nabigla ako dahil itong Komikon na ‘to, marami akong naibenta, higit sa inaasahan ko. Nakakatuwa talaga.

Mayroon ding screen sa loob ng conference room para mapanood namin ang mga nangyayari sa main hall. At ang isang pangyayari na hindi inaasahan ng lahat ay nang mag-propose si Kuya Omeng sa nobya niyang si Ails. Napanood ko lang ang pangyayari sa screen at pinanood ulit sa isang video sa facebook (may audio na!). Hiyawan ang mga tao. Ibang klase talaga itong Komikon na ‘to. Hindi malilimutan. Congrats ulit kina Kuya Omeng at Ails. Siyempre congrats din sa Komikon team.

Nirvana.

Photos courtesy of Jaclyn Ong.

IMG_0034

Ako habang pumipirma ng Palimos ng Kulangot ni Dok Ronibats.

IMG_0084

Bandang alas-nuwebe ng umaga.

IMG_0012

IMG_0009

Ako at mga katrabaho ko.

IMG_0022

Mga komiks na binili ko.

DSCN1863

DSCN1864

DSCN1867

Maraming salamat sa Komikon, sa mga katrabaho ko, kay Ms. Gi, sa Ikos Komiks, sa mga dumaan at nakipagkwentuhan sa table namin, at sa mga bumili at tumangkilik ng Andoyman Komiks. Maraming salamat. Hanggang sa susunod na pagkikita!

🙂

Edit: Kung meron po pala kayong review para sa ‘Foodcourt’, ‘Palimos ng Kulangot’, at ‘Ang Sumpa’, pwede niyo po akong i-message dito sa facebook o sa e-mail ko, andoyman@gmail.com. Salamat po!

Advertisements

2 thoughts on “Andoyman at Summer Komikon 2013

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: