Komikon Baguio


komikon baguio cover photo

Unang beses itong Komikon sa Baguio kaya nakakasabik talaga ako. Sa wakas, ilang tulog na lang at Komikon Baguio na!

Ikalawang beses ko namang pagpunta sa Baguio sa Sabado. Una e noong field trip namin noong college.  Yey! Kaya itong Sabado, kung taga-Baguio ka, o papunta ka ng Baguio, e dumaan ka sa CAP Building at doon mo kami makikita.

Kasama ko ang katrabaho ko sa table. Medium Rare Customized Tee ang sa kanya. Di siya nagkokomiks pero malulupit ang mga items na mabibili niyo sa kanya(nakakakinis pa ng balat) sa halagang abot-kaya lang ng bulsa, pitaka niyo’y di luluha, ngunit puso niyo’y sasaya, buhay pa ay giginhawa:

medium-rare

At ang sa akin naman, magtitinda ako ng mga poster ng aking mga artwork. Karamihan, mga artwork na nakita niyo na rin dito sa blog ko. Bukod pa roon, kung kakayanin ko pang bitbitin, magbebenta rin ako mismo ng aking artwork.

Hindi rin mawawala siyempre ang komiks. At ito ang bagong komiks na ilalabas ko ngayon:

komikon baguio post

Hindi rin mawawala ang Foodcourt(2010, unang komiks na inilabas ko) at Palimos ng Kulangot(2012, unang kolaborasyon ko sa iniidolo kong manunulat, si Dok Ronibats). Maaari mo namang mabasa ang unang apat na pahina ng bago kong komiks, ang “Ang Sumpa”,  sa link na ito.

Daan po kayo sa table namin, 407, at pakyawin niyo lahat ng ibebenta namin nang sa ganoon e may pamasahe kami pauwi(haha) .

Kita-kits na lang sa Baguio!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: