Sketchbook #002


Mga doodle ng kung sinu-sino at kung anu-ano. Praktis lang ng portrait drawing…nang hindi binabakat. (Clockwise mula sa kaliwa sa taas) Unknown na babae pero parang kahawig na isang singer na di ko maalala ang pangalan, the girl, Alexandra Trese, Minion from “Despicable Me,” Albert Einstein, at Bob Dylan. Yeah, alam ko, hindi nila gaano kahawig.

Ginawa ko ‘to ng una sa isang maliit na stickee note tapos ginawan ko ng malaking version. Ayun. “500 Days of Summer” ang naiisip ko habang ginagawa ‘yan tapos naisip ko lang yung title na “Lost in Dreams” na para bang isang magandang title para sa isang kwento…Hmm…

“Isang eksena sa loob ng klase.”
Ang plano ko dapat dito, ipo-post ko siya noong pasukan kaso hindi ko na nagawa. Nahirapan din akong linisin ang linya dahil sa tracing paper ko ito iginuhit. Hanggang ngayon, kita mo naman, hindi ko pa rin nakukulayan.

Isang rocker girl. Matagal ko nang gawa ‘to. Ngayon ko lang na-post.

Matagal ko na ring gawa ito. Di ko na rin na-ink at nakulayan. Siguro, kapag na-upgrade ko na ang pc ko at nakabili ng bagong pen tablet, babalikan ko ‘to at tatapusin. Nabasa mo ba ang kwento sa drawing? 🙂

Anggaling ni Audrey Kawasakin kaya na-inspire akong gawin ‘to. Lapis lang ito at hindi ko na na-i-ink, traditional o digital. Siguro kapag walang ginagawa sa opis, gagawin ko. 🙂

Rip-off ng Friend(20th Centuty Boys) at Obito’s Mask(Naruto). Natutuwa ako sa drawing na ‘to dahil natakot ang isa kong kaopisina dito. Nang minsan idinikit ko sa monitor niya, pagtingin niya, napamura siya. Hehe.

Fan art ni Kenji sa 20th Century Boys ni Naoki Urusawa 🙂

Fan art ko sa sarili ko. Hehehe, joke lang. Nagpa-praktis ako ng portrait drawing. Ito ang resulta. 🙂


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: