!?!

2x2

Siya si Alejandro de Guzman Edoria, 24 taong gulang, nakapagtapos ng
B.S. in Computer Engineering sa FEU-East Asia College, at mabait na bata.
“Andoyman” ang pangalan niya sa mundo ng internet at komiks.
Taliwas sa kaalaman ng nakararami, hindi sa isang
bahay-pagawaan ng mga pekeng ID at diploma sa Recto siya
nagtatrabaho bagkus sa isang kumpanya
sa Quezon City bilang isang graphic artist. Sa gabi, kung hindi
pag-i-internet ang kanyang inaatupag, nagkokomiks siya o
nagdo-drawing o nagpapraktis ng pag-wo-watercolor…
o inuubos na naman ang mga pagkain sa loob ng ref.

Pangarap niyang makagawa ng magaganda’t makabuluhang komiks
at kwento na babasahin at tatangkilikin ng maraming tao sa buong mundo…at
masuportahan ang sarili sa kanyang mga gawa…at mailagay
ang mukha niya sa bandila ng Pilipinas (kapal!).

Siya ang gumawa ng komiks na “Foodcourt” noong 2010.
Artist naman siya ng “Palimos ng Kulangot(2012)” ni Dok Ronibats.
Kasalukuyan siyang abala sa bago niyang
komiks na “Ang Sumpa.”

Mayroon siyang facebook page na kapag ni-like mo ay gagaling
anuman ang karamdaman mo:


http://www.facebook.com/andoyman

:)

18 thoughts on “!?!

  1. OK naman mga gawa mo, tulad mo nangarap din ako maging illustrator. Di naman nabigo sa mga linggo, buwan at mga taon kong pagpapraktis. Ang pagiging perfekto ka larangang eto dapat matiyaga ka. una sa lahat nasa puso mo ang pagdo drowing. walang katapusang pagpapraktis habang nabubuhay ka…dapat may iniidolo kang magaling na illustrator tulad ng pare ko na si Lan Medina… at yun dapat ang dinedekta ng puso mo. Sa mga panahong nagdaan hanggang ngayon nagpapraktis pa rin ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 105 other followers

%d bloggers like this: